
Isa si Anton Vinzon sa ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na talaga namang sinubaybayan at sinuportahan ng maraming viewers at netizens.
Related gallery: Meet the housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sa recent interview ng GMA internal press kay Anton, sinagot niya ang tanong kung sino sa Kapamilya housemates ang gusto niyang makasama sa isang acting project sa outside world.
Binanggit ng Sparkle star ang mga pangalan ng Star Magic artists na sina Krystal Mejes at Carmelle Collado, ang housemates na isini-ship sa kanya ng fans.
Pagbabahagi ni Anton, “Gustong maka-work si Krystal… magaling sa drama talaga siya and si Carmelle [Collado] rin. Gusto ko po 'yung High School Musical 'yung datingan… 'Yun po talaga.”
Ang Kapuso ex-housemate ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang ang Astig Anak-tion Star ng Baguio.
Si Anton ang isa sa mga nagkaroon ng pagkakataon na lumaban para sa wildcard ngunit matapos niyang matalo sa challenge ay muli siyang nagbalik sa outside world.
Kasabay niyang lumabas sa Bahay Ni Kuya ang Kapamilya ex-housemate na si Rave Victoria na napabilang din sa wildcard housemates.
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.