GMA Logo Anton Vinzon
Source: StarMusicPH (X) sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Anton Vinzon, magiging special guest sa concert ni Carmelle Collado

By Mark Joseph F. Carreon
Published April 22, 2026 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bato forgoing salary may be a basis to junk ethics complaint —JV Ejercito
Alden Richards is the newest face of a popular local beverage brand
Military stands by clash that left 19 alleged NPA members dead

Article Inside Page


Showbiz News

Anton Vinzon


Patuloy ang pagpapakilig ng tambalang 'CarTon'!

Suportado ng Kamao lead star na si Anton Vinzon ang upcoming concert ng kanyang katambal sa 'CarTon' ship na si Kapamilya singer Carmelle Collado.

Sa isang post sa X (dating Twitter), inanunsyo ng Star Music Philippines ang concert ng tinaguriang “New Gen Pop Diva” na si Carmelle na pinamagatang Carmelle LIVE!, na siya namang gaganapin sa SM North EDSA Skydome sa May 17.

Kinumpirma rin ng Star Music PH sa isa pang post na magiging special guest si Anton sa nasabing concert.

Ayon sa caption, magkakaroon ng isang “special” performance ang dalawang former PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemates sa entablado.

“Anton Vinzon will be joining our New Gen Pop Diva CARMELLE onstage this May for a special performance,” saad sa caption.

Nagkaroon ng malalim na samahan sina Carmelle at Anton noong sila ay nagkasama sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0.

Dahil sa kanilang close bond, hindi napigilan ng fans na i-ship sila, na nagresulta sa pagkakabuo ng tambalang 'CarTon' noong mga unang bahagi ng kanilang season sa naturang reality competition.

Noong February, muling nagpakilig ng kanilang fans ang dalawa nang magkaroon sila ng duet performance ng kantang Araw, Gabi sa noontime show na It's Showtime.

Kamakailan lang din, dumalo sina Anton at Carmelle sa isang exclusive fan meet kung saan nakasama nila ang mga kani-kaniyang supporters at fans ng kanilang love team.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Abangan si Anton sa kanyang first solo lead sa Kamao, isang bagong seryeng handog ng GMA Entertainment Group na tungkol sa pag-abot sa pangarap, na hango sa temang pampamilya at sports.

Mula ito sa direksyon nina L.A. Madridejos at Richard Arellano, kasama ang associate director na si Kevin De Vela.

Ipapalabas ang Kamao sa GMA Afternoon Prime soon.

Related Gallery: Meet Anton Vinzon, the boy next door who steals hearts