
Kasabay ng tumitinding kuwento ng Kamao, level up din ang acting skills ng bida ng serye na si Anton Vinzon.
Hinahangaan ang Kapuso dramatic action star sa GMA family sports drama series, kung saan gumanap siyang batang boksingero.
Sa kuwento, lumalim ang hidwaan ng karakter ni Anton na si MakMak at ng ama nitong si Nonoy, na ginagampanan ni Neil Ryan Sese. Ito ay matapos masaksak ang lolo coach niyang si Domeng, ginagampanan ni Roi Vinzon, dahil sa asaran nang kumalat ang bagong scandal ni Nonoy kung saan sumasayaw ito habang naka-gown.
Sinisi ni MakMak ang tatay niyang si Nonoy, na isang bakla, sa pagkalat ng video. Hindi alam ni MakMak na ginawa lamang iyon ng kanyang ama para makabalik ang binata sa Guerrero boxing gym matapos siyang i-powertrip ni Caloy, ginagampanan ni Wendell Ramos.
Pinuri online ang husay ni Anton sa pag-arte, partikular sa emosyonal na eksena nila ni Neil Ryan.
Komento ng isang netizen, "The best talaga ang acting ni Makmak, baguhan pa lang 'yan [pero] grabe ang improvement. Malayo ang mararating mo, Anton. Pagbutihin mo pa ha, manonood ako palagi."
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Kamao, maghaharap si Anton at ang karakter ni Bruce Roeland na si Lance sa boxing ring.
Mapapanood ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA at Kapuso Stream.
Available naman ang full episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
Ipinapalabas din ang family sports drama overseas via GMA Pinoy TV.
RELATED FEATURE: Meet Anton Vinzon, the boy next door who steals hearts