
Sa paglabas nina Fred Moser at Clifford mula sa Bahay ni Kuya sa nagdaang eviction night noong Sabado, January 17, aminado ng dalawa na marami na kaagad silang nami-miss mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda, kasama ang kapwa former housemates na sina Anton Vinzon at Rave Victoria, ibinahagi nina Clifford at Fred kung sino ang pinaka mami-miss nila sa loob ng bahay ni Kuya.
Ayon kay Clifford, pinkamami-miss niya ang itinuring na niyang little brother na si Heath Jornales.
“Kasi parang sa loob ng bahay, ako po 'yung nagtayong kuya sa kaniya, Tito Boy. Kasi parang my whole life ako 'yung laging may mga kuyas, ates. Pero du'n po sa bahay, Tito Boy, parang du'n ko po na-feel na parang I really had a soft spot for Heath and I really want to protect him,” sabi ni Clifford.
Sa katunayan, kahit ngayon na nasa labas na siya ng bahay ni Kuya, hinahanap-hanap pa rin niya si Heath sa bahay nila.
Pinakamami-miss naman umano ni Fred si Kapuso actress Princess Aliyah.
“I''ll consider her as my closest person in the house, kasi siguro in future stuff, gusto ko pa siyang ma-get to know kaya siya talaga 'yung pinaka nami-miss ko today,” sabi ng aktor.
Kahit paulit-ulit na umano siya, mamimiss pa rin ni Rave si Ashley Sarmiento, lalo na at ito ang “core” niya sa loob ng bahay.
Mami-miss naman ni Anton ang kapwa Sparkle star na si Sofia Pablo dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa. Pagbabahagi pa ng aktor, pagpasok pa lang niya ng Bahay ni Kuya ay maituturing na niyang best friend kaagad ang aktres.
Ngunit sabi ng aktor, hindi na niya nami-miss ito ngayon, kaya natawa na lang ang batikang host sa kaniya.
MULING KILALANIN ANG HOUSEMATES NG 'PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION 2.0' SA GALLERY NA ITO:
Samantala, tila naging paborito ng housemates si Miguel Vergara na ayon kina Rave, Clifford, at Fred ay hindi nila mami-miss.
Paliwanag ni Rave, “Hindi ko siya nami-miss in a good way kasi ayoko pa siyang makita, Tito Boy.”
Pag-amin naman ni Clifford, hindi na niya nami-miss ngayon si Miguel dahil sobrang malapit na sila sa isa't isa. Sa halip, may mensahe siya sa kaibigan, “Miguel, kaya mo na 'yan, Miguel, tumagal ka muna diyan sa Bahay ni Kuya.”
Dahil Day Zero ay katabi na umano ni Fred si Miguel kaya hindi na rin niya ito nami-miss, lalo at madalas ay nakaharap itong matulog sa kaniya. Ngunit nilinaw naman ng aktor na hindi “bad experience” makatabi si Miguel sa pagtulog.
Balikan ang panayam kina Anton, Rave, Clifford, at Fred sa itaas.