
Ayon sa Kapuso dramatic action star na si Anton Vinzon, nakararamdam siya ng nerbiyos sa tuwing kaeksena niya ang kanyang ama na si Roi Vinzon sa upcoming GMA family sports drama na Kamao. Sa serye, gaganap bilang lolo ni Anton ang kanyang ama.
Sa media conference ng programa kamakailan, ani Anton, "Syempre para sa 'kin kinakabahan at first kasi talagang makakasama ko talaga yung tatay ko sa isang serye at first lead pa."
Ayon kay Anton, good pressure naman daw ang kanyang nararamdaman dahil ito rin ang kanyang tribute para sa kanyang Papa Roi. "Sana paglabas ng pilot, sana maging proud siya sa 'kin at talagang hands-on talaga si Papa sa 'kin. And while doing tapings, talagang tatay na tatay talaga s'ya sa 'kin, tinuturuan n'ya talaga ako, pa-stage father na."
Ina-acknowledge rin ni Anton ang accomplishments ng kanyang amang si Roi sa industriya bilang action star, kaya labis ang kanyang pagrespeto sa talento nito.
Dagdag niyang papuri sa ama, "And besides that, mahal na mahal ko si Papa talaga pagdating sa lahat ng ginagawa niya. And sa sobrang tagal na n'ya sa industriya, beteranong-beterano na talaga s'ya kaya talagang hinahangaan ko talaga si Papa pagdating sa acting, pagdating sa action."
Mapapanood ang Kamao weekdays, simula May 25, 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang full episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng programa sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.
Ipapalabas din ang Kamao overseas via GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: Meet the cast of Kamao in this gallery