GMA Logo Antonette Garcia
Photo by: GMANetwork.com
What's on TV

Antonette Garcia, excited sa pagbabalik-teleserye sa 'Hearts on Ice'

By Aimee Anoc
Published October 14, 2022 12:56 PM PHT
Updated January 27, 2023 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Antonette Garcia


Kabilang si Antonette Garcia sa cast ng first Filipino figure skating series na 'Hearts on Ice.'

Matapos ang halos tatlong taon, excited na si Antonette Garcia sa pagbabalik-teleserye sa upcoming figure skating series ng GMA na Hearts on Ice.

Huling napanood si Antonette sa GMA bilang si Frida sa hit primetime series na Alyas Robin Hood noong 2016. Sumalang ang aktres sa iba't ibang guestings matapos ang seryeng ito.

"Nakakatuwa kasi 'di ba alam n'yo naman 'yung situation natin, pandemic. And then puwede ko nang sabihin na after ng pandemic, this will be my first teleserye. Noong natawagan ako na kasama ako rito, I was so happy. I'm so grateful to be part of this new show," sabi ni Antonette sa interview sa GMANetwork.com.

Dagdag niya, "Tapos 'yung makakasamang mga artista rito mga batikan, na 'yung tipong bata pa ako napapanood ko na sila, 'yung ginagalang ko. So mapasama ako rito sa show, very thankful ako at masasabi ko na blessed."

Ito ang unang beses na makakatrabaho ni Antonette ang lead stars ng serye na sina Ashley Ortega at Xian Lim na aniya ay "magagaling na artista sa henerasyon ngayon."

Ayon kay Antonette, walang pag-aalinlangan niyang tinanggap ang role sa serye dahil aniya ay isang malaking blessing ito para sa kanya.

"Almost three years na hindi tayo nagteleserye so sabi ko, kailangan maibalik 'yung excitement. Ito na 'yung opportunity na mabalik ulit dati pati 'yung mood kasi ito 'yung passion ko, 'yung gusto ko," sabi niya.

Bukod kina Ashley at Xian, makakasama rin ni Antonette sa serye sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE' RITO: