
Dahil sa kanilang style sa pagkanta, hindi maiiwasang maikumpara ang tinaguriang Viral Princess ng Parañaque na si Antonette Tismo sa The Clash season one grand champion na si Golden Cañedo.
IN PHOTOS: Get to know 'The Clash' grand champion Golden Cañedo
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Antonette kamakailan, sinabi niyang gumagawa siya ng paraan para mailayo ang kanyang style kay Golden.
"Actually, iniiwasan ko po 'yung birit na Tagalog songs dahil ayaw ko po ma-compare kay Golden.
"Opo, kami po 'yung magka-genre, kami 'yung parehong bata.
"Siguro [tingin ng audience] magtsa-champion ako.
"Siympere, hindi po natin maiiwasan na may mamba-bash po. Parang paulit-ulit na lang.
"Para sa 'kin po, hindi ko sila pinapansin pero kung iisipin ko rin na ayaw ko rin po na maihalintulad kay Golden," pahayag ni Antonette.
Sixteen years old ngayon si Antonette at 16 years old din noong nanalo si Golden sa season one ng The Clash.
Nilinaw ni Antonette na idolo niya si Golden.
Gayunpaman, gusto rin ni Antonette na makilala sa iba pang genre, hindi lang sa pagbirit.
"Siyempre, iniisip ng iba kapag contest puro na lang birit gano'n, parang naiinis na rin sila.
"Parang gusto ko ring ipakita 'yung versatility ko po na kaya ko pong mag-upbeat kaya nagahahanda po ako.
"Idol ko naman po s'ya at nakakasama ko naman po."
Kaya sa The Clash grand finals ngayong Linggo, December 15, kakaibang Antonette daw ang matutunghayan ng mga manonood.
Sambit niya, "Kailangan n'yo po abangan na hindi lang pang 16 years old 'yung ipapakita ko. Gusto ko ipakita na hindi lang ako puro birit."
Biro pa niya, "Sasayaw po ako ngayon kasi 'di po ako marunong sumayaw kasi 'yung paa ko parehong kaliwa. 'Di po ako mag-ga-gown para makagalaw
ako."
Matira ang Matibay: The Top 6 of GMA Network's 'The Clash' revealed