
Umani ng papuri ang komedyante at aktor na si Antonio Aquitania para sa kanyang pagganap bilang si Ronnie, ang ama ng kinidnap na si Ara, sa pinabagong family drama ng GMA na AraBella.
Sa episode kahapon, March 9, kritikal ang kondisyon ni Ronnie dahil binaril siya ng mga kumidnap kina Ara at Bella.
Sa comment section, nagulat ang mga manonood na kaya rin palang magpaiyak ni Antonio Aquitania, na nakilala sa pagpapatawa nang mapabilang siya sa comedy-gag show na Bubble Gang.
Komento ng isa, "Antonio is super good na sa acting."
Mabubuhay pa kaya ang ama ni Ara na si Ronnie? Ano na kaya ang mangyayari kay Bella ngayong hawak pa rin siya ng mga kidnapper?
Alamin ang sagot sa AraBella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay na Pangarap.
Mapapanood din ito sa digital channel na Pinoy Hits, at online sa GMANetwork.com at sa Facebook page at Youtube channel ng GMA Network.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA ANG MGA KARAKTER SA ARABELLA RITO: