
"Binabasa ko nang maigi ang script ko, at tinatanong ko rin si Yas kung ano ang mga dapat gawin." - Antonio Aquitania
Gaganap si Antonio Aquitania bilang si Rod, ang abusive live-in partner ng character ni Yasmien Kurdi na si Ysabel, sa upcoming Afternoon Prime series na Sa Piling Ni Nanay.
LOOK: At the press conference of 'Sa Piling Ni Nanay'
Hindi daw madali para kay Antonio na gampanan ang ganitong klaseng role dahil hindi siya ganito sa totoong buhay. Ingat na ingat nga daw siya sa mga eksena nila ni Yasmien.
"Binabasa ko nang maigi ang script ko, at tinatanong ko rin si Yas kung ano ang mga dapat gawin. Tinutulungan naman niya ako, lalo na 'yung mga time na sasaktan ko siya. [Tinatanong ko] kung saan ko siya titirahin (laughs). Siya pinapapili ko eh," nakakatawa niyang kuwento sa entertainment press during the show's press conference.
Sumang-ayon naman si Yasmien, at may dinagdag pang kuwento.
"Nakakatawa 'yung isang scene na pina-cut niya 'yung eksena kasi akala niya totoong nasasaktan na talaga ako. Tapos kami nakaganyan lang, 'Hindi.' Sorry siya nang sorry pero hindi naman ako nasaktan."
MORE ON SA PILING NI NANAY:
EXCLUSIVE: Nova Villa, no longer challenged by her roles?
EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, confident na hindi magseselos si Ayesha kay Sofia Cabatay