
Mula sa istasyong nagbigay ng napakaraming hindi malilimutang programa, apat na bagong kuwento ng pag-ibig ang handog namin sa inyo:
To Have And To Hold
Picture-perfect ang buhay ng mag-asawang Gavin at Dominique ngunit isang iskandalo ang gigimbal sa pagsasama ng dalawa. Ipaglalaban ba ni Gavin ang nasirang relasyon sa asawang si Dominique, o muling mag-uumpisa sa isang bagong pag-ibig?
The World Between Us
Lumaking hikahos at ulila sa pamilya si Louie, ngunit sa katalinuhan at kasipagan nito, magtagumpay ito sa buhay.
Makukuha rin niya ang inaasam na pag-ibig ng isang dalaga at ang pagtanggap ng ina nito. Ngunit maglalaho ang lahat nang dahil sa isang krimen na hindi niya ginawa ngunit pilit na ibabato sa kanya.
Mapapatunayan pa kaya ni Louie na walang siyang sala?
When Love Lasts
Nang ma-biyudo si William matapos mamatay ang asawa nito na si Katherine, inakala niya hindi na siya iibig pa.
Ngunit matutunan niyang magmahal muli sa tulong ni Victoria, ang kaniyang high school sweetheart turned fiancee. Paano kaya kung magbalik si Katherine, pero sa ibang anyo? Posible pa kayang matuloy ang pagmamahalan nila?
A Lifetime With You
Anak ng General si Libby, kaya lumaki itong protektado ng ama. Mapapamahal siya kay "Ikot" na anak pala ng isang dating bilanggo.
Makayanan kaya nila ang mga pagsubok galing sa kanilang mga pamilya at ang pagkakaiba ng kanilang mundo?
Tunghayan ang apat na natatanging kuwento ng pag-ibig na ito, malapit na sa GMA-7!