GMA Logo I Witness
What's Hot

Apat na dokumentaryo mula sa 'I-Witness,' mapapanood ngayong Holy Week

By Marah Ruiz
Published March 30, 2021 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

I Witness


Kabilang ang "Gulong ng Pag-asa," "Isandaan," "Ibang Pagtingin" at "Nanay" sa mga dokumentaryong mapapanood mula sa 'I-Witness' ngayong Holy Week.

Ngayong Holy Week, apat na magkakaibang istorya ang mapapanood mula sa multi-awarded documentary series na I-Witness.

Sa Maundy Thursday, April 1, tunghayan ang dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo na pinamagatang "Gulong ng Pag-asa," 5:30 pm. Tungkol ito kina Erika, Pablito at Bujana na mga persons with disablity o PWD na nakikipagsapalaran para sa kanilang lugar dito sa mundo.

Susundan ito ng "Isandaan," dokumentaryo naman ni Kara David, 6:00 pm. Tampok dito ang pambihirang buhay ng dalawang centenarian, o mga taong may edad na 100 o mahigit pa, mula sa Narvacan, Ilocos Sur.

Si Howie Severino naman ay ibabahagi ang kuwento ni Aleeia Maclit sa "Ibang Pagtingin," Good Friday, April 2, 5:30 pm. Ipinanganak na bulag si Aleeia ngunit nananatiling matatag sa pagharap sa mundong maraming pagsubok para sa mga PWD.

Sa Black Saturday, April 3, dadalhin tayo ni Mariz Umali sa isang bahay sa Rodriguez, Rizal na kumakalinga sa mga batang may kapansanan na inabandona ng kanilang mga magulang sa dokumentaryong "Nanay," 5:30 pm.

Alamin ang iba pang mga palabas mula sa special Holy Week programming ng GMA-7 dito:

SCHEDULE: GMA-7's Maundy Thursday Programming (April 1, 2021)

SCHEDULE: GMA-7's Good Friday Programming (April 2, 2021)

SCHEDULE: GMA-7's Black Saturday Programming (April 3, 2021)