What's Hot

Apat na housewives, mag-aaway-away sa 'Sky Castle'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 11, 2019 6:28 PM PHT
Updated June 11, 2019 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Some tourists spend Holy Week in Boracay
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang kakaibang kuwento ng apat na mayayamang pamilya sa bagong handog ng GMA Heart of Asia, ang 'Sky Castle.'

Abangan ang kakaibang kuwento ng apat na mayayamang pamilya sa bagong handog ng GMA Heart of Asia, ang Sky Castle.


Gustong-gusto ng housewives ng mga prominenteng pamilya sa Sky Castle na sina Sarah (Yun Jung-ah), Geleen (Yoon Se-ah) at Ginny (Oh Na-ra) na makapasok ang kanilang mga anak sa Seoul National University kaya naman hihingin nila ang tulong ng University Exam coach na si Julie Kim (Kim Seo-hyung).

Ngunit lahat sila ay nagulat nang magpakamatay ang kanilang kapitbahay na si Margie (Kim Jung-nan) matapos makapasok ang kanyang anak sa Seoul National University Medical School, sa tulong na rin ni Julie Kim.

Sa pagkamatay ni Margie, lilipat naman sa Sky Castle ang pamilya ni Arlene (Lee Tae-ran), na ke-kwestyunin ang ginawa nina Sarah, Geleen, at Ginny sa pagkuha ng University Exam Coach.

May kinalaman ba si Julie Kim sa pagkamatay ni Margie? Ano ang magiging papel ni Arlene sa buhay ng mga 'Tiger Moms' ng Sky Castle?

Abangan ang kuwento ng Sky Castle, malapit na sa GMA Heart of Asia.