
Unti-unti nang matutuklasan ang mga lihim sa Apoy sa Dugo ngayong Miyerkules, April 8.
Mas lalakas ang hinala ni Vanessa (Elle Villanueva) kay Angel (Ashley Ortega) na may kinalaman siya sa pagkawala ni Trixie (Thea Tolentino).
Maririnig ni Vanessa ang isang taong humihingi ng tulong sa bahay kung nasaan si Angel. Matutuklasan kaya niya na si Trixie ay nasa panganib sa kamay mismo ng kanyang kapatid na si Angel?
Tuluyan na bang malalaman ng lahat na si Angel ang mastermind sa likod ng lahat?
Patuloy na abangan ang mas tumitindi pang mga eksena sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, tingnan dito ang behind the scenes ng kidnap scene nina Thea Tolentino at Ashley Ortega sa Apoy sa Dugo: