
Mas mararamdaman ang tensyon sa mga susunod na eksena ng Apoy sa Dugo ngayong Martes, March 24.
Hindi na magpapaligoy-ligoy pa si Angel (Ashley Ortega) sa kanyang planong sirain ang matibay na samahan nina Marco (Derrick Monasterio) at Vanessa (Elle Villanueva) para tuluyan niyang ma-solo ang kanyang ate na si Vanessa.
Habang tumitindi ang mga plano ni Angel, nagiging palaban naman si Vanessa laban kay Trixie (Thea Tolentino), na gustong angkinin ang kanyang asawa na si Marco.
Magtatagumpay kaya si Angel sa kanyang plano? Maso-solo na kaya niya ang kanyang ate?
Malalaman na rin kaya nila na si Angel ang mastermind ng lahat?
Patuloy na abangan ang mga patindi nang patindi na eksena sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, tingnan dito ang sexiest looks ni Ashley Ortega: