
Hindi na ituturing ni Angel (Ashley Ortega) si Vanessa (Elle Villanueva) bilang kanyang kadugo dahil mas titindi na ang kanilang sister war sa Apoy sa Dugo.
Ngayong Martes, May 12, patuloy na walang pagsisisi si Angel sa pagpatay kina Carlito (Ricardo Cepeda) at Luigi (Rathian Cordero).
Sa kabila ng sinapit nina Carlito at Luigi, hindi pa rin sapat para kay Angel ang paghihirap ni Vanessa, kaya mas lalo pa niyang sisirain ang buhay nito.
Aagawin din ni Angel ang mga mahal sa buhay ni Vanessa upang mapalapit ang lahat sa kanya.
Sino kaya ang susunod na magiging target ni Angel?
Abangan ang mas tumitindi pang eksena sa Apoy sa Dugo, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments in 'Apoy sa Dugo'