
Humakot ng papuri mula sa viewers at fans kamakailan ang pilot episode ng Apoy sa Dugo, na ipinalabas noong March 2 sa GMA Afternoon Prime.
Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Martes, March 3, thankful sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega sa mainit na suporta sa kanilang serye.
Natuwa rin sila sa komento ng netizens na hindi ito ang tipikal na drama na may agawan ng asawa. Ayon sa comments section ng official page ng GMA Drama, isa na ang Apoy sa Dugo sa mga serye na aabangan ng viewers at fans.
Noong pilot episode, sama-samang nanood sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega sa isang livestream para ipakita ang kanilang excitement at suporta sa world premiere ng Apoy sa Dugo.
Kasama nina Elle, Derrick, at Ashley sa serye sina Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, Patricia Coma, Larkin Castor, at Cai Cortez.
Kabilang din sa cast ang content creators na sina Fonzi at Toniyuh.
Abangan ang mas nag-iinit pang eksena sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Ashley Ortega bring the fire and glam to 'Apoy sa Dugo' mediacon