
Mas iinit na ang inyong mga hapon dahil mapapanood na ang pinakabagong psychological drama-thriller series na Apoy sa Dugo.
Pagbibidahan nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega ang serye na magsisimula nang ipalabas ngayong Lunes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Humanda sa sizzling sibling rivalry nina Elle at Ashley, na maghahatid ng maraming intense at nakakatayong-balahibong eksena.
Iikot din ang istorya sa pagtataksil at paghihiganti, dahil sa mga lihim na pilit itinatago ngunit hindi maiiwasang mabunyag.
Makakasama ng lead stars na sina Elle, Derrick, at Ashley ang iba pang aktor na sina Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, Patricia Coma, Larkin Castor, at Cai Cortez.
Kabilang din sa cast ang content creators na sina Fonzi at Toniyuh.
Abangan ang pilot episode ng Apoy sa Dugo ngayong March 2 sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Ashley Ortega bring the fire and glam to 'Apoy sa Dugo' mediacon