
Patuloy na kinagiliwan ng viewers at fans ang pinakabagong intense drama series na Apoy sa Dugo.
Sa pilot week ng serye, umarangkada ang suporta ng mga Kapuso viewers at umabot na sa 20.7 milion views sa online platforms.
Matatandaang nag-trending din ang world premiere ng serye at napasama sa PH trends sa X (dating Twitter).
Mula sa tensyon ng labanan ng mother-in-law vs. daughter-in-law hanggang sa intense na karakter ni Ashley Ortega, hindi napigilang abangan ang mas matitinding eksena sa serye.
Ngayong nakatira na sa puder nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda si Ashley, mas titindi pa ang puksaan kung hanggang saan ang kayang gawin ni Ashley para protektahan ang kanyang ate na si Elle bilang Vanessa.
Kasama nila sa serye sina Thea Tolentino, Patricia Coma, Larkin Castor, Cai Cortez, at ang content creators na sina Fonzi at Toniyuh.
Tutukan ang init at apoy na hatid ng Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/apoy_sa_dugo.
Samantala, tingnan dito ang behind the scenes moments sa set ng Apoy sa Dugo: