
Patindi nang patindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo, lalo na ang maigting na banggaan nina Vanessa (Elle Villanueva) at Kiara (Ashley Ortega).
Sa umiinit na sister rivalry ng dalawa, hindi napigilan ng viewers na magbigay ng kanilang reaksyon at pumili ng kanilang pambato.
Marami rin ang lalong nainis kay Kiara dahil sa kanyang patuloy na kasamaan at mga ginagawa laban kay Vanessa. Samantala, umani rin ng papuri sina Elle at Ashley dahil sa kanilang epektibong pagganap sa serye.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa puksaan nina Vanessa at Kiara:
Kasalukuyan namang nasa mental facility si Kiara kasama si Trixie na nagbabalik ang karakter sa serye.
Abangan ang mas matitinding eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Before the sister war: Vanessa and Angel's sisterhood moments in 'Apoy sa Dugo'