
Ngayong Martes, habang sinusubukan ng pamilya Panganiban na buuing muli ang kanilang samahan, may mas matinding plano namang inihahanda si Kiara (Ashley Ortega) laban sa kanila.
Kasama ang kanyang mga kaibigan mula sa mental facility, ipagpapatuloy ni Kiara ang kanyang paghihiganti.
Huwag palampasin ang mga eksena sa Apoy sa Dugo, mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Network Afternoon Prime at Kapuso Stream.