
Mas umiinit ang mga eksena sa Apoy sa Dugo dahil unti-unti nang nabubunyag ang mga lihim na matagal nang itinatago ng bawat karakter.
Noong Huwebes, April 9, ipinakita na may lihim na kalaguyo si Sylvia (Pinky Amador) sa bagong pasok na karakter na si Ron Angeles, na gumaganap bilang Bruce.
Hindi napigilan ng viewers na lalo pang manggigil kay Sylvia, lalo na't ang karakter niya ay isang relihiyosa at madasaling ina ni Marco (Derrick Monasterio) at asawa ni Carlito (Ricardo Cepeda).
Habang patindi nang patindi ang mga eksena, mas lalo ring humanga ang fans at viewers sa mga “plot twist” ng serye.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers sa lihim na pakikipagrelasyon ni Sylvia sa iba:
Sa teaser ng April 10 episode, mabubunyag na ni Angel (Ashley Ortega) ang lihim nina Sylvia at Bruce. Ilalantad niya kaya ang matagal nang tinatagong sikreto ni Sylvia para masira ang pamilya Panganiban?
Isa si Sylvia sa mga pinaka-pinag-uusapang kontrabida sa Apoy sa Dugo, kasama ang mga karakter nina Ashley Ortega at Thea Tolentino.
Abangan ang mas umiinit pang mga eksena sa Apoy sa Dugo, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Pinky Amador proves she is always a style icon