GMA Logo apoy sa dugo
Photo source: GMA Drama
What's on TV

'Apoy sa Dugo' viewers, pinag-usapan kung sino ang kaibigan ni Angel na si Kiara

By Karen Juliane Crucillo
Published May 8, 2026 6:39 PM PHT
Updated May 8, 2026 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UPI's Poquiz hits cash deliveries 'cover-up,' defends 'ex-Marines'
Palaro medals feature handcrafted ribbons by AgSurnon IP women
Mister, sinurpresa ang misis na-lockdown sa Maynila | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

apoy sa dugo


Sino nga ba ang kaibigan ni Angel (Ashley Ortega) na si Kiara (Karenina Haniel) sa 'Apoy sa Dugo'?

May nananatiling misteryo sa karakter ni Kiara (Karenina Haniel) sa Apoy sa Dugo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw ang tunay na pagkatao ng kaibigan ni Angel (Ashley Ortega) na si Kiara, na palaging kasama at kausap nito.

Si Kiara rin ang tanging nakakaalam ng mga lihim na plano ni Angel at ng madilim nitong nakaraan.

Sa misteryong bumabalot sa pagkakaibigan nina Angel at Kiara, pati na rin sa mismong pagkatao ni Kiara, hindi napigilan ng viewers na maglabas ng kani-kanilang hula kung sino nga ba siya.

Marami ang nagsasabi na maaaring imahinasyon lamang ni Angel si Kiara, o patay na ang kanyang kaibigan sa totoong buhay.

May mga nagsasabi rin na posibleng may bipolar disorder o split personality si Angel sa serye, kaya't si Kiara ay maaaring bahagi lamang ng kanyang isip.

Narito ang ilan sa mga hula ng viewers kung sino si Kiara:

Abangan ang mas tumitindi pang eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: All the times Ashley Ortega served savage moments on Apoy sa Dugo