
Walang tigil sa paggawa ng kasamaan si Cesar (Zoren Legaspi) sa Apoy sa Langit.
Nitong nakaraang Linggo, sunud-sunod ang mga masasamang balak ni Cesar kina Gemma at Ning. Sa tulong ni Stella (Lianne Valentin), nagawa ni Cesar paghiwalayin ang mag-ina, magnakaw ng pera, at lasunin ang isip ng kanyang asawa.
Nagtagumpay sina Cesar at Stella sa pagpapaikot kay Gemma kaya naman tuluyan na niyang pinalayas ang sariling anak sa kanilang bahay.
Dahil sa kagustuhan ni Ning na makita ang ina, bumalik siya sa kanilang bahay. Ngunit hinarang ni Cesar si Ning at na-trigger ang trauma niya mula sa pagkamatay ng ama.
Nagpatuloy si Cesar sa pagnanakaw ng mga pera ni Gemma sa kanyang kompanya.
Nakahanap si Ning at Blessie (Mariz Ricketts) ng mga patunay sa pagkuha ng pera ni Cesar ng Gemma. Agad naman itong nalusutan ni Cesar.
Ano ang mga susunod na gagawin ni Cesar sa mag-inang sina Gemma at Ning? Abangan ang mga maiinit na tagpo ng Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, maaari na ring mapanood online ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon Prime series. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.