
Patuloy pa rin na sinusubaybayan ang bawat eksena sa GMA Afternoon Prime drama na Apoy sa Langit.
Sa pagpasok ng July, namamayagpag pa rin ang ratings ng Kapuso drama na pinagbibidahan nina Maricel Laxa at Zoren Legaspi, at nina Mikee Quintos at Lianne Valentin.
Photo source: Apoy sa Langit
Nitong July 1 ay umani ng 7.4% rating ang Apoy sa Langit noong July 1 at 6.6% rating naman ang episode ng July 2, ayon sa NUTAM People Ratings. Sinundan naman ito ng 7.3% rating para sa July 4 at 7.2% para sa July 5.
Ramdam din ang suporta at pagka-hook ng mga Kapuso viewers online dahil sa mga tumututok sa streaming at episode highlight videos ng Apoy sa Langit. Within 24 hours ay lagpas 1 million views ang inaabot ng bawat eksena sa Kapuso Afternoon drama.
Abangan ang magaganap sa mga susunod na episodes ng Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, maaari na ring mapanood ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon Prime drama online. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.
Samantala, tingnan ang sexiest looks ng stars ng Apoy sa Langit dito: