
Trending ngayon ang bagong post ni Kathryn Bernardo sa social media.
Matapos i-flex ni Kathryn ang kanyang new hair color, isang heartwarming appreciation post naman ang makikita sa kanyang Instagram account.
Sa naturang post, mababasa ang sweet message ng aktres para sa kanyang mommy na si Min Bernardo.
Sulat niya sa caption ng kanyang post, “Blessed to have had the best support system as I navigated the challenges of this industry and the career path I chose.”
Kasunod nito, pinasalamatan ng 27-year-old actress ang kanyang mommy.
Sabi niya, “Thank you mama for being my number one supporter since the beginning--from accompanying me to auditions, to encouraging me as I experienced rejections, and then to finally fulfilling our dreams together.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 898,000 likes ang naturang post ng aktres.
Matatandaang nito lamang November 30, 2023, kinumpirma ni Kathryn sa pamamagitan ng isang post na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend at aktor na si Daniel Padilla.