
Maayos daw ang naging pag-alis ng comedian/theater actor na si Jerald Napoles sa poder ng Triple A, ito ay ayon sa APT Entertainment CEO na si Michael “Mike” Tuviera.
Ang Triple A ay ang tumatayong talent management arm ng APT Entertainment.
10 kilig photos of Jerald Napoles and Kim Molina
Sa panayam ng entertainment press kay Direk Michael sa contract-signing ng ila-launch na comedy channel ng APT Entertainment at Cignal TV ngayong araw (November 27), ikinuwento nito kung paano nagpaalam si Jerald sa kanila.
Aniya, “Matagal po kami nag-usap, ang maganda kay Jerald po is napaka-respectful po niya, pumunta po siya ng office. Kinausap niya kami isa-isa, even the teams, even the groups, lahat kainusap niya.
“So parang napaka-professional naman po and dinivulge naman po niya sa amin 'yung plans niya and why 'yung mga ganun and even the chairman, even tatay (Antonio Tuviera) knows,
“And ang number one reaksyon po namin is 'you go where you will be happy.'”
Wala rin daw hard feelings na pinili ni Jerald Napoles na magpalit ng management team.
Diin pa ni Direk Michael, “No not at all.”
Sunday PinaSaya
Inusisa din ng press ang napapabalitang nalalapit na pagtatapos ng weekly musical-variety show na Sunday PinaSaya, co-produced ng GMA Network at APT Entertainment ang naturang programa.
Aminado si Direk Mike na malungkot sila kung mangyayari nga ito, pero proud naman sila sa na-achieve ng Sunday PinaSaya sa loob ng mahigit na apat na taon.
“Malungkot po siyempre kasi naging pamilya na po kami that's four and a half years, so we are very, very thankful siyempre to GMA for the opportunity.
“We are very proud of what we did, kasi from the beginning po talagang number one kami and it became very historic, kasi wala pa po nakagawa ng ganung genre.
“Comedy variety during Sunday noontime show, we are very very proud of what we did.”