GMA Logo Ara Davao, Rikki Mae Davao, Diego Guttierez, Jackie Lou Blanco, Pilita Corrales
sources: aradavao/IG and pilitacorrales/IG
What's on TV

Ara and Rikki Mae Davao share their bond with mamita Pilita Corrales and mom Jackie Lou Blanco

By Kristian Eric Javier
Published March 20, 2025 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Ara Davao, Rikki Mae Davao, Diego Guttierez, Jackie Lou Blanco, Pilita Corrales


Malaki umano ang naging ambag nina Pilita Corrales at Jackie Lou Blanco sa buhay ng magkapatid na Ara at Rikki Mae Davao.

Sa pagbisita nina celebrity royalties Arabella “Ara” Davao at Rikki Mae Davao sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 19, ibinahagi nila ang relasyon nila sa kanilang mamita, ang beteranong singer at actress na si Pilita Corrales, at sa kanilang ina na si Jackie Lou Blanco.

Ikinuwento nina Ara at Rikki sa naturang Afternoon Prime talk show na malaki ang naging impact ng kanilang mamita sa kanila. Ayon kay Ara, si Pilita ay nagsisilbing ilaw ng kanilang pamilya.

Sabi naman ni Rikki, “Actually, if you look at her photos from before up to now, she really radiates na parang iba 'yung beauty, the confidence, the aura, and I feel like she passed it down each generation. The love, the light, [Boy: And the kindness], at 'yung kindness po.”

Bukod sa galing sa pag-arte, isa sa mga hinahangaan kay Pilita Corrales ay ang magandang pagkanta nito, at ang iconic na pagliyad tuwing umaawit ng mataas. Kuwento ni Rikki, dahil kilala siya bilang apo ng beteranong singer ay pinagawa ito sa kaniya sa isang school play.

Aniya, “Noon, kaya ko pa nu'n. Ngayon, guys, baka hindi na natin kaya.”

Kinumusta rin ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon nina Ara at Rikki sa kanilang ina na si Jackie Lou Blanco. Pag-amin ni Ara, dahil itinuturing siya biling “mini me” ng kaniyang ina, best friends pa rin sila nito hanggang ngayon.

“So kahit boys, crushes, like drama sa school, chismis, or sa work, I go to her talaga,” pagbabahagi ng aktres.

Itinuturing naman ni Rikki bilang ilaw ng kanilang tahanan si Jackie, lalo na at ito naman talaga ang nagbibigay ng payo sa bawat isa sa kanila. Maituturing niyang “one of the best moms in the world” ang kaniyang mommy.

“The reason we're so comfortable of ourselves is because she also gave us that confidence that came from mamita, that went to her, and she's passing it down. I hope na kami ni Ara, we can also pass it down to our future kids.

Panoorin dito ang panayam kina Ara at Rikki:

BALIKAN ANG PAGBALIK-TANAW NI JACKIE LOU BLANCO TUNGKOL SA KANIYANG PAGIGING ISANG INA SA GALLERY NA ITO: