
Pressured umano ang celebrity siblings at kapwa mga aktor na sina Arabella “Ara” Davao at Rikki Mae Davao lalo na at nanggaling sila sa pamilya ng mga premyadong aktor. Ang kanilang mga magulang ay sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco at lola nila ang batikang singer na si Pilita Corrales.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 19, hiningan ni King of Talk Boy Abunda si Ara ng reaksyon sa mga nagsasabing madali lang sila umano nakapasok sa showbiz dahil sa kanilang pamilya. Pag-amin ng aktres, mayroon naman talagang advantage, ngunit mayroon din itong disadvantage.
“Of course there's an advantage, like for example, our dad would always bring us to events, tapos minsan, doon kami nare-recognize. But there's also that pressure na parang siguro dapat magaling din kayo and all that,” sagot ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Ara, “So it's like there's a disadvantage, there's an advantage but then, there are mentors also since we entered the business.”
Sinang-ayunan din ng aktres ang sinabi ni Boy na mataas ang pressure sa kanila ni Rikki dahil parte sila ng pamilya ng mga premyadong aktor at aktres.
TINGNAN ANG CELEBRITY KIDS NA PARTE NA RIN NG ENTERTAINMENT INDUSTRY NGAYON SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa pagiging mga aktres ay nakaramdam din umano sila ng pressure para maging kasing ganda or mahigitan pa ang kanilang Mamita Pilita at inang si Jackie Lou.
“Parang wait lang guys, mangyayari rin. Meron talagang expectation to be beautiful, to be pretty, to be good especially now na pumasok na kami ni Ara sa industry. Napi-feel mo talaga 'yung may pressure talaga siya,” pag-amin ni Rikki.
Aniya, kalaunan ay natutunan na rin nila ni Ara na tanggapin at harapin ang pressure na iyon na nagtulak din sa kanila para maging mas magaling.
Dagdag ni Ara, “I think it's more of a motivation na because it's already there.”
Panoorin ang panayam kina Ara at Rikki dito: