
Mixed emotions ang nararamdaman ni Ara Davao ngayong Pasko lalo na at ngayon ang unang selebrasyon nila na hindi makakasama ang amang si Ricky Davao at lola na si Pilita Corrales.
Sa Instagram, ipinahayag ni Ara na Pasko ang pinakapaborito niyang holiday, ngunit ngayong taon, “it comes with mixed emotions.”
“I'm grateful, I'm celebrating, but I'm also carrying the quiet ache of losing people who meant everything to me,” sulat ni Ara sa caption ng kaniyang post.
Paliwanag ng aktres, “And maybe that's okay. Grief, after all, is just love that never learned how to leave. Somehow, that still feels very Christmas-y. ❤️🎄”
Kalakip nito ay ilang litrato nina Ricky at Pilita.
Matatandaan na kinumpirma ni Ara noong May 2 ang pagpanaw ni Ricky sa edad na 63 matapos labanan ang ilang komplikasyon dulot ng cancer.
Samantala, Abril naman nang ianunsyo ni Janine Gutierrez ang pagpanaw ng kanilang Mamita na si Pilita sa edad na 85.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAMAALAM NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO: