
Bubble Gang 'OG' babes Ara Mina at Maureen Larrazabal naging sanhi minsan na nag-stop ng taping ang Kapuso gag show?
Ito ang kinumpirma ng dalawa sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 17 nang ikinuwento ni Maureen ang naging misunderstanding nila noon ni Ara.
Balik-tanaw niya sa Fast Talk, “There was a time, napag-usapan din namin ito, kaming dalawa nag-away kami.
“Nag-stop taping kami because of that. Because of my ex. Misunderstanding, kaming dalawa.”
Sumunod na kuwento ng sexy comedienne,“ˈYung ex ko gumawa ng isyu sa aming dalawa. Well, since magkasama kami nag-stop taping kami sinabi ko kay Miss Camille. Nag-aaway na kaming dalawa, since magkakasama kami sa isang show. Sabi ni Miss Camille sa amin, 'Okay, let's stop taping first pagusapin ko lang silang dalawa para maayos'.
“Naayos naman namin. Iniwan kami sa loob ng tent dalawa lang kami.”
Sabay tawa nina Ara at Maureen nang maalala ang mga nangyari noon.
Nang tanungin ni Tito Boy si Mau kung pareho silang nililigawan ng ex niya. Tugon agad ng aktres, “Yes, parang ganu'n.
“Sabi niya, parang wala na sila. Parang, 'Ha?,'” sinegundahan naman ni Ara Mina.
Napa-hirit naman si Maureen ng sinabing, “Ang boys kasi talaga hangga't makakalusot.”
Ayon naman kay Ara, maganda ang nabuo nilang samahan sa Bubble Gang dahil pamilya talaga ang turingan nila sa isa't isa.
“Kasi nga, ang maganda sa Bubble, kaming, sina Bitoy, Ogie, lahat, all the girls, parang isang family kami. 'Pag kunwari, may umiyak sa amin na heartbroken, dami lahat, parang naka-console lahat. 'Yung dadamayan ka,”
Huwag palagpasin ang first-part ng BG30: Batang Bubble Ako Concert bukas October 19, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: Meet the Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special