
Proud ang mga aktres na sina Ara Mina at Maureen Larrazabal na maging Batang Bubble o maging parte ng longest-running comedy gag show na Bubble Gang.
Bukod kasi sa puno ng masasaya at hindi malilimutang alaala ang panahon nila rito, marami rin silang nabuong pagkakaibigan.
Ngunit sa kuwento nina Ara at Maureen sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 17, may mga pagkakataon din daw na nag-iyakan at nag-away-away sila.
“There was a time, kaming dalawa (Ara), nag-away kami, e. Nag-stop taping kami because of that. Because of my ex, misunderstanding,” pagbabahagi ni Maureen.
Ngunit paglilinaw niya, nitong mga nakaraang araw ay napag-usapan nilang muli iyon at natatawa na lang sila sa nangyari.
Kwento ni Maureen, gumawa kasi ng issue noon ang ex niya sa kanila ni Ara. Dahil magkasama sa trabaho ay pinatigil ng Executive Producer na si Miss Camille Hermoso ang taping para makapag-usap sila.
“Since magkakasama kami sa isang show, sabi ni Miss Camille sa 'min, 'Okay, let's stop taping first, pag-usapin ko lang silang dalawa para maayos.' And naayos naman namin, iniwanan kami sa loob ng tent, dalawa lang kami,” saad ni Maureen.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA A-LIST ACTRESSES AT COMEDIENNES NA NAGING PARTE NG 'BUBBLE GANG' SA GALLERY NA ITO:
Pagbabahagi pa ni Maureen ay tila pinagsabay pa sila ni Ara ng kaniyang ex. Paglilinaw naman ni Ara, hindi niya alam na sila pa. Sa katunayan, nang sabihin umano ng ex ng kaibigan na wala na sila ay nagtaka pa siya.
“Kasi nga, ang maganda sa Bubble, kami, sina Bitoy, Ogie (Alcasid), lahat, all the girls, parang isang family kami e. 'Pag kunwari may umiyak sa amin na heartbroken, damay lahat, naka-console lahat, 'yung dadamayan ka,” sabi ni Ara.