
Natigilan at napangiti ang aktres na si Ara Mina nang sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes (October 17), kung saan napag-usapan ang isang lalaki na binasted niya noon.
Guest sina Ara at Maureen Larrazabal sa Fast Talk para i-promote ang two-part "BG30: Batang Bubble Ako Concert".
Ayon kay Ara na 10 years naging parte ng Kapuso gag show, nakita raw ng mga fellow cast members niya ang mga lalaking nag-pursue sa kaniya.
“Basta na-witness nilang lahat kung sino 'yung mga pumoporma sa akin, dumalaw sa akin. Mga binasted ko.”
Nang tanungin ni Tito Boy kung sino ang binasted nito na hindi niya malilimutan. Sagot ni Ara, “Napangasawa ng isang taga-Bubble.”
“Basta may binasted ako 'tapos 'yun ang napangasawa ng former [na] taga Bubble Gang.”
Happily married naman si Ara kay Dave Almarinez na pinakasalan niya noong 2021.
Ibinahagi rin naman ni Ara sa Fast Talk kung bakit proud siya na tawagin ang sarili bilang "Batang Bubble".
“Sobrang proud, kasi everywhere we go kahit wala na kami ni Mau [talagang sinasabi sa amin], 'Alam n'yo 'pag Bubble Gang kayo talaga naaalala namin.'"
Pagpapatuloy niya, “Tapos 'yung batch namin nina Maureen, Peachy (Rufa Mae Quinto), Diana [Zubiri], Francine [Prieto], 'yun 'yung parang feeling ko 'yung matagal na nagsama and that's the batch na marami kaming napuntahan, na-experience together.”
Masaya naman si Maureen Larrazabal na nagkaroon sila ng chance mag-reminisce kasama si Michael V. nang ginagawa nila ang concert special ng Bubble Gang.
Kuwento ni Maureen kay Boy “Nag-reminisce rin kami Tito Boy nung mga kasagsagan na magkakasama kami, kasi 'yun yung mga times na nag-a-abroad kami, nag-Japan, nag-Hong Kong, nag-US. Sama-sama kami lahat so nag-reminisce kami nang konti and nagpaplano rin kami mag-reunion ulit para mas mahaba pa 'yung pagre-reminisce namin.”
RELATED CONTENT: Meet the Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special