What's on TV

'AraBella': Ang pagkawala ng anak ni Roselle

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 7, 2023 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: LeBron James makes clutch plays as Lakers edge Suns
Maxine Medina embraces a simple, mindful skincare routine after motherhood
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus

Article Inside Page


Showbiz News

arabella recap


Balikan kung paano nawala sa piling ni Roselle ang nag-iisa niyang anak na si Bella dito.

Nagsimula na ang kaabang-abang na istorya ng inang si Roselle (Camille Prats) at ng nag-iisa niyang anak na si Bella sa GMA Afternoon Prime series na AraBella kahapon, March 6.

Halos isang dekada na ang nakakaraan nang mawala si Bella sa piling ni Roselle. Noong una ay masaya pa ang dalawa na nagdiwang ng ika-6 na kaarawan ni Bella ngunit hindi nila inaasahan na makakapunta sa handaan ang mahirap na si Ara.

Galit man si Bella kay Ara dahil natapunan nito ng chocolate ang kanyang gown, agad naman siyang pinatawad ni Roselle dahil humingi ng paumanhin ang bata. Sa katunayan, gustung-gusto paalisin ni Bella si Ara, ngunit pinilit ni Roselle na pakainin ito sa kanilang bahay dahil nagugutom ito.

Dahil nasira ang masaya sana niyang kaarawan, humiling si Bella kay Roselle na magkaroon muli ng birthday party pero hindi na siya pumayag dito. Dahil dito, nagkaroon tuloy ng tampo si Bella sa kanyang ina.

Habang nagsisimba, nagkataon na ang sermon ng pari ay tungkol sa pagpapatawad kaya naman kinausap muli ni Roselle si Bella na patawarin na si Ara. Hindi ito nagustuhan ni Bella kaya naman tumakbo siya papalabas ng simbahan hanggang sa tuluyan na siyang lumayo nang lumayo kay Bella.

Nasaan kaya si Bella? Muli pa kayang makita ni Roselle ang kanyang nag-iisang anak?

Alamin ang sagot sa AraBella tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap. Samantala, mapapanood rin ito sa digital channel na Pinoy Hits at naka-livestream din sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NG ARABELLA DITO: