
Sa unang linggo ng pinakabagong family-drama ng GMA na AraBella, masayang nagsimula ang kuwento ng inang si Roselle (Camille Prats) kasama ang kanyang nag-iisang anak na si Bella (Juharra Asayo).
Six years old pa lang si Bella kaya naman naghanda si Roselle ng isang selebrasyon para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Ang masaya sanang pagtitipon ay nauwi sa hindi magandang karanasan ni Bella nang aksidenteng mahulog ni Ara (Brianna Advincula) sa kanya ang chocolate fountain kaya nadumihan ang damit nito.
Nagalit man si Bella kay Ara, tinuruan at pinagsabihan siya ng kanyang inang si Roselle na patawarin na si Ara dahil hindi naman niya ito sinasadya.
Dahil sa pagpupumilit ni Roselle kay Bella na patawarin na nito si Ara, tumakbo tuloy si Bella papalayo sa kanyang inang habang nakikinig sila ng misa.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, na-kidnap si Bella at Ara ng mga masasamang tao na nanghihingi ng ransom mula kay Roselle.
Magkaaway man sila noon, nagtulungan sina Bella at Ara upang makatakas sa kamay ng mga kumidnap sa kanila.
Samantala, hindi alam ni Roselle kung ano ang gagawin dahil pinagiisipan niyang mabuti kung ibibigay niya ang ransom sa mga kidnapper o hihingi siya ng tulong sa mga pulis.
Upang hindi mapahamak ang kanyang anak na si Bella, nagpasya si Roselle na ibigay na lang ang ransom kasama ang kanyang kaibigan na si Gary (Wendell Ramos).
Sa kasamaang palad, ang batang ibinigay kina Roselle at Gary ng mga kidnappers ay si Ara.
Sa pagkamatay ng ama ni Ara na si Ronnie (Antonio Aquitania), kukupkupin siya ni Roselle habang patuloy na hinahanap ang kanyang tunay na anak na si Bella.
Ang hindi alam ni Roselle, ang nasa likod ng pag-kidnap sa mga bata ay ang stepmother niyang si Gwen (Klea Pineda) na alam ang lahat ng kanyang gagawin.
Mabawi pa kaya ni Roselle si Bella sa kamay ng mga kumindap sa kanya? Alamin ang sagot sa AraBella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap.
SAMANTALA, KILALANIN PA ANG IBANG MGA KARAKTER SA ARABELLA RITO: