
Sa kauna-unahang pagkakataon, napanood na sa family-drama ng GMA Afternoon Prime na AraBella ang karakter ni Althea Ablan na si Bella.
Sa episode kahapon, April 3, nagpakilala na si Bella kay Roselle (Camille Prats) na siya ang nawawalang anak nito. Kasama ni Bella ang mga umampon sa kanya na sina Lolo Hadji (Ronnie Lazaro) at Lola Madonna (Nova Villa).
Nagkaroon man ng pag-asa si Roselle na si Bella na ang nawawalang anak na matagal na niyang hinahanap, mali ang timing ng pagpapakilala ni Bella dahil nagsisimula pa lang si Roselle na kilalanin si Ara (Shayne Sava).
Si Bella na kaya ang nawawalang anak si Roselle? Ano na ang mangyayari kay Ara ngayong may isa pang nagpakilala na anak ni Roselle?
Abangan ang AraBella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA ANG IBANG KARAKTER NA MAPAPANOOD SA ARABELLA RITO: