GMA Logo Camille Prats and Juharra Asayo in AraBella
What's on TV

'AraBella' pilot episode, wagi sa ratings at tinutukan online!

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 7, 2023 1:32 PM PHT
Updated March 7, 2023 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: LeBron James makes clutch plays as Lakers edge Suns
Maxine Medina embraces a simple, mindful skincare routine after motherhood
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats and Juharra Asayo in AraBella


Maraming salamat sa lahat ng mga tumutok sa pilot episode ng 'AraBella!'

Panalo sa TV at online ang pilot episode ng pinakabagong family-drama ng GMA Afternoon Prime na AraBella na pinagbibidahan nina Shayne Sava, Althea Ablan, at Camille Prats.

Ayon sa overnight data ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils. TAM), nakapagtala ng 8.8 combined ratings ang AraBella na bukod sa GMA ay napapanood din sa digital channel na Pinoy Hits.

Bukod sa telebisyon, pinag-usapan rin online ang pilot episode ng AraBella na siyang pagbabalik din sa drama ng nag-iisang Camille Prats matapos ang limang taon.

Sulat ng isang netizen, "Si Camille Prats pa rin ang tunay na drama princes. Walang kupas kung gaano siya kagaling umarte noon, mas magaling siya umarte ngayon. Bagay na bagay sa kanya ang role nya sa AraBella."

Sa pilot episode ng show, napanood na kung anong nangyari sa mag-inang Roselle (Camille Prats) at Bella (Juharra Asayo) kaya sila nagkahiwalay. Muli kayang makikita ni Roselle ang anak na nawalay sa kanya?

Ugaliing panoorin ang AraBella tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap. Samantala, mapapanood rin ito sa digital channel na Pinoy Hits at naka-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA KARAKTER NG ARABELLA DITO: