
Puring-puri ng Clash Panel ang powerful performance ni Arabelle Dela Cruz sa episode ng The Clash 2025 noong Linggo, July 13.
Inawit niya ang "House of the Rising Sun" sa round two ng kompetisyon.
Ayon kay Judge Christian Bautista, pinaghandaan ng Clashbacker ang kanyang performance. Komento ng Asia's Romantic Balladeer, "You laid it all, parang feeling ko today, there's no tomorrow for you. Parang binigay mo lahat ngayon sa stage na 'to and you filled this place with your performance, so napakagaling na performance and talagang you proved today also why you deserve to be here."
Ayon naman kay Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, eksperto na sa pagpe-perform ang dating ni Arabelle. Aniya, "Bagay na bagay sa boses mong napaka powerful and no'ng pinapanood kita, pro na pro na yung dating mo. Mukha ka na talagang professional singer, pati tayo."
Samantala, hinangaan din ni Lani Misalucha ang kalidad ng boses ni Arabelle. Sabi ng Asia's Nightingale, "Parang kinumpleto mo na lahat ang performance mo as if you're telling all of us na I want this and I'm gonna get it, and it clearly showed in your performance. I love the clear tone in your voice and the control. It was really good."
Hindi lang Clash Panel ang namangha kay Arabelle kundi ang online viewers din matapos makakuha ang video ng kanyang performance ng mahigit 1.1 million views sa Facebook page ng The Clash sa loob lamang ng ilang araw.
Dahil sa kanyang ipinamalas na galing sa pagkanta, pasok sa round three si Arabelle.
Mapapanood ang The Clash 2025 tuwing linggo, 7:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
KILALANIN ANG IBA PANG PAST CONTESTANTS NA NAGBALIK SA THE CLASH: