GMA Logo Arabelle Dela Cruz
PHOTO COURTESY: arabelledelacruzm (Instagram)
What's on TV

Arabelle Dela Cruz is full of gratitude after 'Veiled Cup' Korea victory

By Dianne Mariano
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated February 3, 2026 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay nang tadtarin ng saksak ng nakaaway niyang mag-ama sa Rizal
Tricycle driver, passenger shot dead in GenSan
BTS's comeback performance to be livestreamed on Netflix

Article Inside Page


Showbiz News

Arabelle Dela Cruz


Labis ang pasasalamat ng 'The Clash 2025' first runner-up na si Arabelle Dela Cruz para sa lahat ng sumuporta sa kaniya sa 'Veiled Cup' South Korea.

Ipinamalas ng Kapuso singer at Veiled Cup Korea grand champion na si Arabelle Dela Cruz ang kaniyang vocal prowess sa It's Showtime.

Inawit ng The Clash 2025 first runner-up ang “Feeling Good” ng Canadian singer-singwriter na si Michael Bublé sa naturang noontime variety show.

Sa kaniyang pagbisita sa programa, nakatanggap din ng mainit na pagbati at congratulatory greetings si Arabelle mula sa It's Showtime hosts sa pangunguna ni Jhong Hilario.

“Arabelle, on behalf of It's Showtime family at buong Pilipinas, mga Pinoy, congratulations and we are so proud of you. Dahil sa iyo, ipinakilala mo na naman ang Pilipinas sa talent, sa singing, kaya congratulations,” ani Jhong.

Ikinuwento naman ni Arabelle ang kaniyang pakiramdam na i-representa ang Pilipinas at ang probinsyang kaniyang pinanggalingan sa Veiled Cup.

Aniya, “Sobrang masarap po sa pakiramdam kasi first-ever ko po na lumabas ng bansa tapos lumaban din nang mag-isa rin. Sobrang iba po sa pakiramdam kasi wala po akong in-expect na kahit ano.

“Sabi ko, gagawin ko lang 'yung best ko, lalaban lang ako. Kahit ano'ng mangyari rito, panalo pa rin 'yung pakiramdam.”

Labis din ang pasasalamat ni Arabelle para sa lahat ng kaniyang mga nakasama sa tagumpay na ito.

“Unang-una, maraming maraming salamat po. 'Yun naman po talaga lagi kong masasabi kasi kung hindi po ako pinagkatiwalaan, hindi po ako sinuportahan, hindi rin po ako aabot sa kung nasaan man po ako ngayon.

“Hindi ko lang po kayang lumaban nang ako lang mag-isa. Kailangan ko po ng lahat ng taong sumusuporta po sa akin. Maraming, maraming salamat po,” pagbabahagi niya.

Pinasalamatan din ni Arabelle ang Kapuso network, Sparkle GMA Artist Center, pati ang kaniyang All-Out Sundays family, at The Clash.

Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Related content: Get to know Arabelle Dela Cruz, Veiled Cup Korea's grand winner