GMA Logo Arabelle dela Cruz
Source: arabelledelacruzm/IG
What's on TV

Arabelle Dela Cruz, muntik nang sumuko sa singing contests pagkatapos ng 'The Clash'

By Kristian Eric Javier
Published February 4, 2026 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ashley Sarmiento, Rave Victoria explore South Korea
Fire displaces 48 families in CDO on Good Friday
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Arabelle dela Cruz


Matapos manalo sa 'Veiled Cup', tuloy-tuloy na ang laban ni Arabelle dela Cruz sa pagkanta.

Aminado si Veiled Cup Korea grand winner Arabelle Dela Cruz na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang napagtagumpayan niya ang naturang reality singing competition. Lalo na, ayon sa Kapuso singer, at wala na sana siyang planong sumali sa mga singing contest.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, binalikan ni King of Talk Boy Abunda kung papaano naging inspiring ang journey ni Arabelle mula sa pagkatalo sa mga singing contest hanggang sa pagkapanalo niya sa wakas sa isang international competition.

Kaya naman, ngayong nakuha na ni Arabelle ang kaniyang inaasam-asam na panalo, ano nga ba ang susunod sa kaniyang karera?

“Siyempre po, after the competition talaga, sabi ko, ipagpapatuloy ko 'to. Ito na 'yun e, binigyan na ako ng opportunity. Kasi noon, runner-up lang ako palagi,” sabi ni Arabelle.

Pagbabahagi pa ng Kapuso singer, “Sabi ko nga po, Tito, hindi na ako sasali after ng 'The Clash' last year tapos pinag-audition po ako, sabi ko, 'Wala namang mawawala, sige, try ko.' Tapos ito po 'yung ibinigay sa 'kin.”

KILALANIN ANG SINGERS NA MAY FILIPINO ROOTS NA SUMALI SA INTERNATIONAL SINGING COMPETITION NA 'THE VOICE' SA GALLERY NA ITO:

Umere ang ikaapat at huling episode ng Veiled Cup noong February 1 sa Korean channel na SBS. Nagsilbing emcee ang aktres na si Lee Da-hee, habang binubuo naman nina Tiffany Young, Kwon Jung-yeol ng 10cm, Ailee, Paul Kim, Henry Lau, at (G)I-DLE's Miyeon ang judging panel.

Naiiba ang format ng kompetisyon dahil kinakailangang magtanghal sa likod ng isang veil ang singers para matuon ang pansin sa kanilang kakayahan sa pagkanta, at hindi sa kanilang itsura o pinanggalingan. Mula sa 28 na lumahok, lima lang ang naglaban-laban sa finals.

Kasama ni Arabelle sa top five sina Bangkok Soul Man at Phang Nga Bay Fighter ng Thailand, Vientiane Red Hair ng Laos, at Gyeongsang-do Iron Voice ng South Korea.

Panoorin ang panayam kay Arabelle dito: