
Unti-unti nang pinapangalanan ang mga opisyal na maglalaban-laban sa 2023 edition ng GMA musical competition na The Clash.
Isa na riyan ang 21-year-old mula Calamba, Laguna na si Arabelle Dela Cruz na kabilang sa top 30 ng bagong season ng TV singing competition.
"Determined, passionate, family-oriented, eager, and adventurous" kung ilarawan niya ang kanyang sarili.
"Eager akong i-try ang isang bagay lalo na kapag pinaparamdan sa 'kin na parang hindi ko kaya," bahagi niya sa 'The Clash Cam.'
Bata pa lang si Arabelle ay gusto na niyang makilala bilang isang mahusay na mang-aawit kaya labis ang kanyang kasiyahan nang makapasok sa The Clash.
Aniya, "This is the right time and the right place to show what I got."
Isa na kaya si Arabelle sa susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, at ng reigning The Clash grand champion na si Mariane Osabel?
Iyan ang dapat abangan sa The Clash 2023 na malapit nang ipalabas sa GMA.
Para sa iba pang updates tungkol sa programa, manatiling bumisita sa GMANetwork.com/The Clash at sa offiicial Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.
SAMANTALA, BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: