GMA Logo archie alemania
Source: archiealemania/IG, missritadaniela/IG
What's on TV

Archie Alemania, may warrant of arrest na para sa kasong isinampa ni Rita Daniela

By Kristian Eric Javier
Published April 2, 2025 6:10 PM PHT
Updated April 2, 2025 10:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

archie alemania


Hahainan na ng warrant of arrest si Archie Alemania para sa kasong isinampa ni Rita Daniela.

Nag-issue na ng warrant of arrest ang Bacoor Municipal Trial court para sa aktor na si Archie Alemania para sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa ng actress-singer na si Rita Daniela.

Ayon sa korte, mayroong probable cause ang isinampang kaso laban sa aktor at inirekomenda nila ang piyansang PhP36,000.

Matatandaan na noong October 2024 nang sampahan ni Rita ang aktor ng naturang kaso matapos siyang diumano'y halikan at sabihan ng malalaswang salita pagkatapos ng thanksgiving party ng kanilang murder-mystery series na Widows' War noong September ng parehong taon.

Itinanggi ito ni Archie sa isinumite nitong counter affidavit noong December 2024.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 2, ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda ang hiling ng abugado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham Garduque na sana ay mahuli o kusa nang sumuko ang aktor para masimulan na ang mga pagdinig.

Pagbabahagi pa ni Atty. Garduque ay nagkaroon din si Rita ng Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) dahil sa pangyayari. Aniya, makakatulong sa paghilom ng aktres ang agarang desisyon ng korte ukol dito.

Ayon kay Boy ay hihintay pa nila ang panig ni Archie tungkol sa desisyong ito ng korte. Sinabi rin ng batikang host na bukas ang Fast Talk with Boy Abunda para dito.

Related Gallery: Celebrities na biktima ng sexual harassment