
Ang labanderang si Pilar ang na-good time ni Archie Alemania sa 'Pranking in Tandem' segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, March 8.
Unang araw ni Manang Pilar bilang labandera ni Archie nang mabalitaan niya sa kapwa labandera ang tunay na ugali ng aktor. Nananakit daw si Archie at siya ang dahilan kung bakit nawawala ang isang kasambahay. Mapaniwala kaya si Manang Pilar nang makita niya mismo ang pagwawala ni Archie?
Nakilala rin sa parehong episode ang K-Pop Cuties 2020 na sina Duke Kraizen Cruz ng Caloocan City, Elijah James Reofrir ng Bulacan, Kyle Sebastien Enriquez ng Quezon City, Takamasa Ogushi ng Caloocan City, at Dale Joshua dela Cruz ng Makati.
Present din si K-Pop Idol 2019 winner Ajay Balmoers para ipasa na ang korona. Sino kaya ang tatanghaling bagong K-Pop Cutie?
Gumanap din sina Boobay at Tekla sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody bilang mag-asawang nag-download ng dating app na 'Syotafy.'
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!