
Sinorpresa ni Archie Alemania ang kanyang longtime girlfriend na si Gee Canlas sa taping ng Inday Will Always Love You. Nag-propose na kasi ang aktor kay Gee, at although on-and-off ang relationship ng dalawa, this time daw ay sure na sure na sa altar na talaga ang tuloy ng kanilang relasyon.
Ani Gee, "Parang umakyat po 'yung puso ko sa throat ko. And it's beautiful [the proposal], thank you."
Kailan naman nila balak magpakasal? Kuwento ni Archie, "Hindi ko na papatagalin din, kasalan na ito, umoo na, eh."
Panoorin ang buong report sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News