GMA Logo Arci Muñoz cosmetic surgeries
What's on TV

Arci Muñoz, may regrets sa kaniyang dating cosmetic surgeries?

By Kristian Eric Javier
Published March 22, 2025 2:54 PM PHT
Updated March 22, 2025 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Arci Muñoz cosmetic surgeries


Arci Muñoz, may panghihinayang ba sa cosmetic surgeries niya noon?

Isa sa mga maiinit na isyu noon kay Sinagtala actress Arci Muñoz ay kung nagparetoke ba siya at sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, March 21, ay sinagot niya ito.

“Tito naman. Obvious ba? OG na OG na nga ako diyan, napapagod na nga rin ako e. Sobrang pagod na'ko,” sagot ni Arci nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda tungkol dito.

Pagpapatuloy pa ng aktres ay bukas siya sa pagbibigay ng consultation sa mga gusto rin magparetoke, at sinabing magbibigay siya ng honest opinion niya kung sa tingin niya ay hindi naman ito kailangan ng kumukonsulta.

“Actually, alam mo, may reason kung bakit nangyari sa 'kin 'tong mga 'to. Na parang kasi may mga regrets din ako pagdating diyan eh. Pero alam mo, inano ko talaga, sinabi ko sarili ko God has a purpose because I learned,” sabi ni Arci. “If I think they don't really need to do it, no. No, girl, 'wag talaga. You'll regret it, sige ka. So ako talaga, 'Yun pala, 'yun pala 'yung reason.' 'Yun pala 'yung purpose,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG IBA'T IBANG LOOKS NI ARCI THROUGH THE YEARS SA GALLERY NA ITO:


Ibinahagi rin ni Arci ang kadalasan niyang sagot tuwing may nagtatanong tungkol sa pagpapagawa niya ng ilong, “Marami eh. Alin kaya do'n? Alin do'n, wait lang. Anong version?”

Pagbabahagi ni Arci, ang kaniynag pagiging spontaneous ang dahilan kung bakit siya nagparetoke noon, dahil umano naramdaman niyang kinailangan niyang i-reinvent lagi ang sarili.

“Dati 'to ha. Pero ngayon mas less is more na talaga. That's why I always tell them you really have to think it through. 'Wag kang tutulad sa akin na talagang very ang tigas ng [ulo ko],” sabi ng aktres.

Ngunit pag-amin niya, kung babalik siya sa panahon na hindi pa niya pinapagawa ang kahit anong cosmetic surgeries sa sarili ay babalik siya.

Ngunit aniya, “Pero since I already did it, I'm never gonna stop! Charot! Hindi, joke lang!”

Bibida si Arci sa musical film na Sinagtala na mapapanood na simula April 2. Makakasama niya dito sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lozano.