GMA Logo Arci Munoz
What's on TV

Arci Muñoz, nag-react sa isyu ng pagiging 'favored' BTS fangirl

By Jimboy Napoles
Published July 18, 2024 8:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Arci Munoz


Arci Muñoz sa bashing na natanggap dahil sa pagiging BTS fangirl: “It's strange”

Muling bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang aktres na si Arci Muñoz sa episode nito ngayong Huwebes, July 18.

Dito, game na nagkuwento ang aktres tungkol sa mga kaganapan sa kaniyang buhay kung saan napag-usapan din ang natanggap niyang pamba-bash dahil sa kaniyang umano'y pagiging “favored” BTS fan girl.

Matatandaan kasi na sunod-sunod ang naging encounter noon ni Arci sa nasabing internationally-acclaimed K-Pop boy group na tila ikinaselos ng ibang fans.

Aminado naman si Arci na isa siyang diehard Army - tawag sa fans ng BTS. Pero, malalim daw ang dahilan ng aktres kung bakit sobra ang kaniyang pagmamahal sa K-Pop singers.

Kuwento ni Arci, “Ewan ko po, during that time, I was just really -- they're my source of happiness and parang as long as I'm happy.”

Dagdag pa niya, “You know, there's gonna be it's strange that people -- of course they're gonna talk na kung ano gusto nilang sabihin, they already have a perception of you in their heads. So kung hindi mo ma-achieve 'yun sa naiisip nila, may issue ka.”

Paglilinaw naman ni Arci, hindi siya nagpapa-apekto sa mga masasamang sinasabi sa kaniya ng mga tao.

Aniya, “But I'm not gonna let those words make me crumble because I know myself more than anyone else…”

Taong 2019 nang magsimulang maging fan si Arci ng BTS matapos niyang mapanood ang video ng grupo “Boy with Luv.”

Matapos ito, naging interesado na si Arci sa lahat ng concerts at mga merchandise ng BTS.

RELATED GALLERY: Arci Muñoz, binasag ang pananaw na 'pasaway' siya noon sa 'StarStruck'