GMA Logo Arci Muñoz
Photo by: Toni Gonzaga Studio (YT)
What's Hot

Arci Muñoz sa kanyang haters: 'Sino ba kayo in my life?'

By Kristine Kang
Published May 5, 2025 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Arci Muñoz


Ibinahagi ni Arci Muñoz ang kanyang paraan ng pagharap sa bashing at hate comments online.

Isa si Arci Muñoz sa mga artistang madalas maging biktima ng online hate dahil sa maling akala ng publiko at sa pagiging bukas niya tungkol sa plastic surgery.

Bilang artista, natural na bahagi raw ng kanyang trabaho ang maharap sa mapanuring mata ng netizens sa bawat kilos at sinasabi niya sa kamera o entablado.

Sa isang panayam kasama si Toni Gonzaga, ibinahagi ni Arci ang kanyang paraan ng pagharap sa bashing at hate comments.

Aniya, "Lagi ko iniisip Ate, the only opinion that will matter in my life are from those that I love. Outside of that, hindi na iyon magma-matter sa akin kasi sino ba sila in my life?"

Aminado ang aktres na minsan ay napapaisip siya kung bakit ganoon kadali para sa ibang tao na husgahan ang kanyang buhay, gayong ang sarili nilang buhay ay hindi nila alam kung paano ayusin.

Para sa kanya, wala silang karapatang husgahan ang kanyang personal life.

Gayunpaman, bilang isang public figure, tinanggap at nauunawaan ni Arci na hindi maiiwasan ang ganitong bahagi ng pagiging artista.

"When I was younger, oo merong kirot. Pero when I was growing up and I learned how to accept na parang this is part of my job, nasa sakin kung magpapaapekto ako," sabi niya.

Dagdag pa niya," As long as I have my family with me who always supports me. Ito mga taong ito na sobrang close sa akin, 'di ako jina-judge. E kayo pa, sino ba kayo in my life?"

Ang isa sa mga misconception ng mga tao sa kanya ay isa raw siyang rebelde o “bad girl.” Inamin ng aktres na maaaring ganoon ang tingin sa kanya dahil madalas siyang "against the flow."

Ngunit nilinaw ni Arci na sa kabila ng panlabas na imahe, siya ay isang mabait at magalang na anak sa kanyang mga magulang. Malalim din daw ang kanyang pananampalataya sa Diyos at gumagawa pa siya ng kanta para sa Kanya.

"I'm so grateful for my family ever since. It's always my family, my number one. I'm always grateful for the life that he has given me, the opportunities that I have, these endless opportunities," kwento niya.

Sa ngayon, patuloy kinakamit ni Arci ang kanyang mga pangarap sa show business at sa music industry. Masaya rin si Arci na maglingkod sa bansa bilang reservist.

Balikan ang naging panayam ni Arci Muñoz tungkol sa plastic surgery, dito: