
Binalikan ng aktres at singer na si Arci Muñoz ang tinawag niya noong “horror story in the sky,” at sinabing hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang issue na ito.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, Hulyo 18, ay muli niyang ikinuwento ang nangyari sa kaniya noon. Aniya, dahil lumabas sila ng mga kaibigan niya the night before her flight ay kulang pa ang tulog niya at antok pa.
“Tapos po when I was on the plane, I usually -- kasi nasa business class ka, feeling ko naman walang gagalaw nu'n and then lagi naman dumadaan 'yung mga flight attendants, so I left my bag du'n sa harap ng cubicle,” aniya.
Papalapag na sila umano ng Korea noon nang tanungin siya ng katabi niyang babae kung kilala ba niya ang isa sa mga pasaherong lalaki. Nang sabihin niyang hindi, kinompronta umano ng babae ang kapwa nila pasahero at tinanong kung bakit nito ginalaw ang bag niya.
“I saw my bag in the aisle, it was already in the aisle. And then she approached the guy, sabi niya, 'Why did you get her bag?' And then I was like siyempre kakagising ko lang, medyo naalimpungatan ako, 'What's happening?'” pag-alala niya.
Dahil card holder lang naman ang dala niya at hindi wallet, nang makita niya ito at ang passport niya ay nakampante na siya at nalaman na lang niyang may nakuha na palang isang card ang lalaki nang makarating na ng Manila.
Kuwento ni Arci, nakatanggap na lang siya ng mga notification na may gumamit ng card niya sa Vietnam at sa Jakarta. Sabi ng aktres ay naputol naman agad ng bank ang access sa card niya, ngunit hindi na umano nila maibabalik ang nagamit na credit mula dito.
“They said na it's my negligence daw. Sabi ko, 'No, it was stolen.' And I reported it sa airline but still, hindi na rin ako binalikan ng airline. Sinabi ko, pero wala pa rin silang ginawa up to now,” sabi niya.
Matatandaan na noong November 2023 ay nag-post si Arci ng video sa kaniyang Tiktok account kung saan ikinuwento niya ang pagkawala ng kaniyang card habang nasa eroplano. Aniya, galing siya noon sa Japan papuntang Korea para sa connecting flight pabalik ng Pilipinas.
“So guys, I'm doing this video to warn you na there is a dangerous world out there and you can't be really safe so you have to be really alert, you have to be careful of your things, mindful of your things,” sabi niya.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “I'm doing this video para lang you guys are aware na may mga ganitong modus kahit sa eroplano. The world is not a safe place.”
Panoorin ang Tiktok video ni Arci dito:
@ramonathornes HORROR STORY IN THE SKY. @Korean Air ♬ original sound - Arci Munoz
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAGING BIKTIMA RIN NG PAGNANAKAW SA GALLERY NA ITO: