
Talagang painit na nang painit ang mga tagpo sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday lalo na't alam na ni Ginalyn (Barbie Forteza) na iisang tao lang si "Sir Bait" at ang ex ni Caitlyn (Kate Valdez) na si Cocoy (Migo Adecer).
Pilitin man ni Ginalyn lumayo kina Caitlyn at Cocoy na muling nagkabalikan, gumagawa pa rin ng paraan ang tadhana na paglapitin nang paglapitin si Ginalyn at Cocoy.
Ang mga netizens, nahahati naman ang opinyon kung kanino talaga nababagay si Cocoy.
Basahin ang kanilang opinyon:
San nga ba hahantong si Cocoy? kay Ginalyn o kay Caitlyn? Parehas kasi bagay.#WVBConfession
-- Mayang Oira (@MayangOira) February 28, 2020
KapusoBrigade@MulawinBatalion
Huuuuuy! Naaliw ako sa habulan nina Ginalyn at Cocoy. Hahahhahahah! Pero Caitlyn at Cocoy pa rin ako. Wala pa talaga akong feel sa mga pairs na to.#WVBPaghaharap
-- Alden💙Richards (@movefourth) February 26, 2020
Sorna!!! Hindi kasi ako makapaligo hanggat di tapos ang WVB!!! Kilig ako kay #teamGinEric (Ginalyn @dealwithBARBIE & Eric @MigoAdecer_ ) curious rin sa #teamCoLyn (Cocoy @MigoAdecer_ & Caitlyn @ValdezKate_ ) kayo, kaninong team kayo? Hehe#WVBInvitation
-- Yousef Tolentino (@mynameisyousef1) February 20, 2020
omg!!! kilig sina caitlyn at cocoy #WVBBackTogether
-- supergirl (@supergi06964234) February 25, 2020
May chemistry talaga si Migo Adecer at Kate Valdez 💗
-- badette 💫 (@jddkfan_) February 27, 2020
di talaga ako sangayon sa caitlyn at cocoy, ginalyn deserves better #WVBBackTogether
-- Bernie ⚡ (@lagascajohn23) February 25, 2020
Muling balikan ang February 28 episode ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kung saan inamin na ni Cocoy ang nararamdaman niya para kay Ginalyn.
Matagal na raw magkakilala sina Kate at Migo, bago pa mag-artista ang dalawa.
Samantala, first time naman nina Barbie at Migo na magkatrabaho sa isang project. Gayunpaman, marami agad ang kinilig sa love team ng dalawa.
Abangan ang mga umiinit na eksena sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday gabi-gabi sa GMA Primetime pagkatapos ng Descendants of the Sun Ph. Mag-catch up din sa inyong paboritong Kapuso teleserye, pumunta lang sa official website ng GMA Network o i-download ang GMA Network app.