GMA Logo Kulot on Its Showtime
What's on TV

Argus, may birthday wish para kay Kulot

By Dianne Mariano
Published October 4, 2023 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kulot on Its Showtime


Ano kaya ang birthday wish ng “Batang Cute-po” na si Princess Kathryn “Kulot” Caponpon?

Masayang ipinagdiwang ni Princess Kathryn Caponpon, o Kulot, ang kanyang kaarawan kamakailan sa noontime program na It's Showtime.

'It's Showtime' at GTV, pumirma na ng kasunduan

Sa segment na “Mini Miss U,” binati at kinantahan ng It's Showtime hosts si Kulot ng Happy Birthday song na “Mini Miss U” version. Nakatanggap pa ng cake at bouquet of flowers ang “Batang Cute-po” nang ipagdiwang niya ang kanyang birthday sa programa.

Matapos ito, tinanong si Kulot ng host na si Jhong Hilario kung ano ang birthday wish nito.

“Sana po, lahat ng madlang people hindi magkasakit at sana po lahat ng wish ko matupad, at pati na rin po ang Showtime family,” ani Kulot.

Mayroon ding birthday wish si Argus Aspiras para kay Kulot.

Aniya, “Ate Kulot, sana lumaki ka na mabuting bata, palagi kang mabait.”

Bukod kina Kulot at Argus, kabilang din sa “Batang Cute-pos” sina Lucas Landicho, Imogen Cantong, at Jaze Capili.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GTV.