GMA Logo misty recap
What's Hot

Arianne at Judy, ibibisto si Congressman Jung | 'Misty' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published August 17, 2020 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

misty recap


Ang magkatunggali noon, magsasanib-puwersa na ngayon! Balikan ang mga nangyari sa 'Misty.'

Matapos ma-detain si Arianne Go (Kim Nam-joo) ng 48 oras, ipinalaya siya ni Detective Kang (Ahn Nae-sang) dahil walang sapat na ebidensyang magamit ito para pormal na sampahan ng kaso sa pagkamatay ni Kevin Lee.

Agad-agad bumalik si Arianne sa trabaho upang i-expose si Congressman Jung, isang key player sa Hwanil case na iniimbestigahan ng News 9, at ang child prostitution na ginagawa nito sa isang hotel.

Hindi na nagsayang ng panahon si Arianne at si Judy (Jin Ki-joo) upang ipagpatuloy ang sinimulang laban--ang magkatunggali noon ay magsasanib pwersa ngayon!

Matagumpay na nailantad ni Judy ang mga tao sa likod ng pagkakaaresto ni Arianne. Dahil sa expose na ito, nagbago ang patingin ng publiko kay Congressman Jung.

Samantala, hindi na napigilan ni Yuri (Jeon Hye-jin) ang kanyang sarili na sisihin at saktan si Arianne nang malaglag ang sanggol nito sa sinapupunan niya.

Magtagumpay kaya si Yuri sa mga plano niya?

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng Misty, mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.